Pilipinas, Nagprotesta sa Plano ng China sa Scarborough Shoal

MANILA — Mariing tinutulan ng Pilipinas ang plano ng China na ideklara ang Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc) bilang isang “national nature reserve.”

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), malinaw na hakbang ito ng Beijing para palakasin ang kanilang kontrol sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

“The Philippines strongly protests China’s plan to establish a so-called nature reserve in Bajo de Masinloc. This is a violation of our sovereignty and maritime rights,” pahayag ng DFA sa kanilang opisyal na statement. (Reuters)

Ang Scarborough Shoal ay malapit sa Zambales at Pangasinan, at mahalaga para sa kabuhayan ng maraming mangingisdang Pilipino.

Ginamit ng Maynila ang 2016 arbitral tribunal ruling na nagsasabing walang legal na basehan ang “nine-dash line” claim ng China.

“China’s actions are nothing but an attempt to formalize its unlawful claims. The arbitral award is clear — Scarborough Shoal belongs to the Philippines’ exclusive economic zone,” dagdag ng DFA. (Al Jazeera)

Nagpahayag din ng pangamba ang ilang eksperto sa seguridad na posibleng magbukas ang “nature reserve” designation ng China para sa mas istriktong pagbawal sa mga Pilipinong mangisda sa lugar.

Samantala, tiniyak ng gobyerno na mananatiling bukas ang West Philippine Sea para sa mga mangingisdang Pilipino at patuloy silang poprotektahan ng Philippine Coast Guard.


📎 Sources: Reuters, Al Jazeera

You may have missed

No posts found!