Mas Mahabang Lease para sa Dayuhang Negosyante

MANILA — Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong batas na nagpapahaba ng maximum lease ng pribadong lupa para sa mga dayuhang negosyante hanggang 99 taon.

Dati, ang lease ay hanggang 75 taon lang (50 taon + 25 taon extension). Ayon sa gobyerno, layunin ng batas na makaakit ng mas maraming foreign investors sa mga proyektong tulad ng enerhiya, turismo, at imprastraktura.

“This reform sends a strong signal to our partners abroad — the Philippines is open for business and ready to compete,” sabi ni Marcos sa pirmahan ng batas sa Malacañang. (Reuters)

Pero may mga nag-aalala rin. Ayon sa ilang grupo sa kanayunan, baka maapektuhan ang mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyo, lalo na sa mga lugar na tumataas ang halaga ng lupa.

Ipinaliwanag naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi ibig sabihin nito’y maaring magmay-ari ng lupa ang mga dayuhan. Lease lang ito, at mananatiling nasa kamay ng mga Pilipino ang pagmamay-ari ng lupa ayon sa Konstitusyon.

Dagdag pa ng mga ekonomista, mas mahaba ang lease mas nagiging sigurado ang mga investor na hindi basta-basta mapuputol ang kanilang proyekto.

“Investors want certainty. A 99-year lease gives them time to maximize their projects while ensuring Philippine ownership of the land is protected,” sabi ni Alvin Ang, economist mula sa Ateneo de Manila University. (Reuters)

Epektibo ang batas 15 araw matapos mailathala sa Official Gazette.

You may have missed

No posts found!