Cayetano sa minority bloc: Ipagtanggol ang kalayaan ng Senado

Nanawagan si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa kalayaan at integridad ng Senado sa gitna ng mga kontrobersiya at panggigipit na kinahaharap ng institusyon.

 

Ginawa ni Cayetano ang pahayag matapos  ipaaresto ng Sandiganbayan Fifth Division si Senador Jinggoy Estrada.

 

Ayon kay Cayetano, mahalagang mapanatili ang pagiging independent ng Senado bilang isang hiwalay at kapantay na sangay ng pamahalaan.

 

“The Senate is a co-equal branch of government. It is not a prize to be claimed — by anyone,” ani Cayetano.

 

Sinabi rin niya na bagamat may umiiral na hindi pagkakasundo sa loob ng Senado, dapat itong maresolba sa loob mismo ng institusyon at hindi sa pamamagitan ng impluwensiya mula sa labas.

 

Binigyang-diin din ng Senate President na hindi dapat gamitin bilang bahagi ng negosasyong pampulitika ang legal na katayuan ng mga senador at ang kalayaan ng Senado bilang institusyon.

 

“I am speaking truth that each senator already knows — the independence of this institution, and the legal standing of any of its members, are not currencies. The day they become things to be traded, is the day that the Senate is diminished. And after the Senate, the Republic,” saad niya.

 

Ayon pa kay Cayetano, hindi lamang simpleng political disagreement ang kinahaharap ngayon ng Senado kundi isang mas malalim na usapin hinggil sa kakayahan ng institusyon na manatiling malaya sa gitna ng mga pressure at impluwensiya mula sa labas.

 

Kasabay nito, binanggit niya ang sunod-sunod na pressure at mga bantang pagpaparesto pa sa mga miyembro ng mayorya, kabilang sina Senador Francis “Chiz” Escudero, Senador Rodante Marcoleta, at Senador Joel Villanueva.

 

Naging bahagi rin ng usapin ang mga pangyayari noong Mayo 11 at Mayo 13 kung saan mismong ang Senado at ilang kawani nito ang syang iniimbestigahan habang ang ang naging papel ng National Bureau of Investigation at ng bagong Minority bloc sa mga pangyayaring nagdulot ng tensyon sa loob ng Senado ay binabalewala.

 

Sa halip na ang mga mastermind sa flood scam na kinasasangkutan ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways(DPWH) sa pangunguna ni Henry Alcantara ang ipakulong ay ang mga senador na ang target.

 

 

Ayon kay Cayetano, mahalagang tiyakin na hindi nagiging instrumento ng political pressure ang mga imbestigasyon at legal na usapin laban sa mga miyembro ng Senado.

 

Aniya, kapag nagsimulang manaig ang takot at political pressure sa loob ng institusyon, nanganganib ang independence ng Senado bilang isa sa mga pangunahing haligi ng demokrasya.

 

“So I put one question to you, not as the majority but as the chamber: will you stand for the Senate’s independence?” tanong ni Cayetano sa minority bloc.

 

Hinamon din niya ang mga senador na manindigan para sa Senado bilang institusyon at hindi lamang para sa interes ng anumang political group o alyansa.

 

Iminungkahi rin ni Cayetano ang isang “deliberate act” kung saan kusang mananahimik ang Senado bilang simbolikong hakbang laban sa anumang uri ng panghihimasok mula sa labas.

 

“I am asking you to join one deliberate act — to let the Senate go quiet, together and by choice, so the country is made to ask why a co-equal branch would fall silent rather than be made to serve,” dagdag niya.

 

Ayon pa kay Cayetano, nasa kamay ng bawat senador kung paano nila poprotektahan ang institusyong kanilang kinabibilangan sa gitna ng kasalukuyang mga hamon.

 

“The door is open. What you do with it is yours to answer — to this institution, and to the people watching it,” pagtatapos nito.

 

You may have missed

No posts found!