Pamahalaan ng Maynila, Nangako ng Pananagutan sa Kumpanyang Hindi Nagtupad ng Tungkulin sa Pagkolekta ng Basura

Noong Sabado, ipinahayag ng pamahalaan ng Lungsod ng Maynila na pananagutin nila ang kumpanya na naunang inatasan na mangolekta ng basura sa lungsod dahil sa hindi pagtupad sa kanilang mga tungkulin sa panahon ng Kapaskuhan.

Pinuna ni Mayor Honey Lacuna ang Leonel Waste Management Corp. na iniwan ang kanilang mga responsibilidad, kahit pa nagkaroon ng 400% na pagtaas sa basura dulot ng Pasko at Bagong Taon.

“Rest assured, I will not let this sabotage pass and those responsible will be held accountable,” aniya sa isang pahayag.

Ayon kay Lacuna, ang mga kumpanyang MetroWaste at PhilEco Systems Corp. ay nagsimula nang mag-operate ng walang tigil upang linisin ang Maynila mula sa mga naipong basura.

“We will address the negligence of the previous garbage collector. Now, we have two contractors, MetroWaste and PhilEco, ensuring that the city is cleaned efficiently,” dagdag pa niya.

Hinimok din ng alkalde ang mga residente na ipagbigay-alam ang mga basurang hindi nakolekta sa Department of Public Services o sa Task Force Against Road Obstruction upang mabilis na matugunan.